Internasyonal
From Wikisource
| Internasyonal / Pandaigdigan |
|
Sa ibang wika: Brezhoneg | Català | Česky |
[edit] Internasyonal (Pandaigdigan)
Bangon sa pagkakabusabos
Bangon alipin ng gutom
Katarunga'y bulkang sasabog
Sa huling paghuhukom
Gapos ng kahapo'y lagutin
Tayong api'y magbalikwas
Tayo ngayo'y inaalipin
Subalit atin ang bukas
- Ito'y huling paglalaban
Magkaisa't nang masaklaw
Ng pandaigdigang
sangkatauhan
Wala tayong maasahang
Bathala o manunubos
Kaya ang ating kaligtasa'y
Nasa ating pagkilos
Manggagawa bawiin ang yaman
Na sa ati'y pinagkait
Ang maso ay ating hawakan
Kinabukasa'y pandayin